TRULILI kaya ang tsikang narinig namin na isa sa mga araw na ito ay malapit nang mag-propose si Luis Manzano kay Jes s y Mendiola? Kung hindi kami nagkakamali ay bago magtapos ang 2018 or first quarter ng 2019 daw.

Jessy at Luis

“Abangan mo, malapit na ‘yan, magpo-propose na si Luis kay Jessy,” saktong sabi sa amin.

May nagsabi pang: “Supposedly this year na, eh, biglang may movie si Jessy na The Girl in the Orange Dress, so ayaw naman ni Luis sumabay baka sabihin promo ng movie. Siyempre gusto niya, pag-uusapan na sila lang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“ T h o u g h ma y s p e c i a l participation naman si Luis sa movie, pero si Jericho (Rosales) ang kasama niya (Jessy) ro’n. Ayaw niyang sumapaw.”

Actually, kung mangyayari ito ay hindi na rin magugulat ang publiko dahil matagal na itong inaabangan ng lahat, kasama na ang magulang ng TV host na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano. Sa katunayan ay hinihingan na sina Luis at Jessy ng apo.

Anyway, kung mangyayari ito soon, advance congratulations to Luis and Jessy mula sa BALITA!

-Reggee Bonoan