BINAGO ng patok na teleseryeng Halik ang image ni Sam Milby, at kadalasang nagiging distraction sa pagganap niya sa mga kakaibang roles ang kanyang kaguwapuhan.

Sam copy

Surpr i s ing l y , ma r ami ang humahanga sa acting na ipinakikita ni Sam sa Halik, where he plays a philandering husband. Pinag-workshop siya kaya naman pang-award daw ang acting na ipinamamalas niya gabi-gabi.

Marami ang humuhula na simula pa lang ang Halik sa more offbeat roles na gagampanan ni Sam.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Open ako sa other possibilities,” sabi ni Sam.

“What a nice feeling na naiibigan nila ang aking acting at meron din namang nagagalit. Ang iniiwasan ko lang ay ang ma-typecast sa iisang uri ng karakter.

“I would love to do rom-com every now and then,” sabi pa ni Sam.

Kasama ni Sam sa Halik sina Jericho Rosales, Yam Concepcion, at Yen Santos.

-Remy Umerez