DAVAO CITY – Pinalaya ng korte sina dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers Rep. France Castro at 16 iba pa kaugnay ng kasong kidnapping, child abuse, at human trafficking.

Sina Ocampo at Castro ay nakabalik na sa Manila nitong Biyernes ng gabi, matapos silang magpiyansa ng tig- P80,000 sa nasabing mga kaso.

Kabilang sa mga pinalaya sina Pastor Edgar Ugal, Pastor Eller A. Ordeza, Rev. Ryan Magpayo, Rev. Jurie Jaime, Meggie Nolasco, Jesus Modamo, Maryro Poquita, Maria Concepcion Ibarra, Jenveive Paraba, Merhaya Talledo, Maricel Andagkit, Marcial Rendon, Ariel Ansan, Mariane Aga, Nerfa Awing, at Wingwing Daunsay.

Ayon kay Atty. Joel Mahinay, abogado ng grupo ni Ocampo at miyembro rin ng National Union of People’s Lawyer (NUPL), pinalaya ang mga ito sa bisa ng release order na inilabas ni

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Judge Arlene Palabrica, ng Tagum City Regional Trial Court.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Mahinay ang pagkakaaresto sa gurpo ni Ocampo nitong Nobyembre 28.

Aniya, nagtungo lamang grupo ni Ocampo sa Salugpongan Ta Tanu Igkanugon Community Learning Center (STTICLC) sa Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte upang sagipin ang mga menor de edad at guro dahil sa umano’y pangha-harass ng paramilitary group na Alamara.

Matatandaang hinarang ng pulis at militar ang convoy ng grupo ni Ocampo dahil kasa-kasama ng mga ito ang mga menor de edad sa kabila ng kawalan umano ng pahintulot ng magulang.

“Is that a crime to give advice, to give some support? The arrest is questionable and has no basis. Their accusations of arrest and kidnapping are hard to believe. On the failure to return the minors, it was the parents who even brought their children to the school,” ayon pa kay Mahinay.

-ANTONIO L. COLINA IV