IN love na naman si Paolo Ballesteros, at ang boyfriend niya ngayon na si Kenneth Gabriel Concepcion ay isang nurse at sales agent.

Sa nakaraang birthday ni Paolo, pinadalhan siya ni Kenneth ng bouquet of flowers, na ipinost naman ng Eat Bulaga host sa Instagram.

Caption ni Paolo: “yii happy birthday to me @i_lovegab #siopao.

In fairness, ipinost ni Kenneth sa IG niya ang picture na magkasama sila ni Paolo: “A dinner date with him #Siopao.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagreklamo naman ang followers ni Paolo kung bakit “with him” ang caption ni Kenneth, at hindi “love” o “my BF.”

Dahil sa bagong BF ni Paolo, marami ang umaasang pangmatagalan na ang relasyon nila at hindi pang-ilang buwan lang. Buwan lang kasi ang itinagal ng dalawang huling relationship ni Paolo, lalo na ang relasyon niya kay Sebastian Castro.

Naalala tuloy ng followers ni Paolo na pinadalhan din siya ng flowers ni Sebastian noon, but after a few months, break na sila.

-Nitz Miralles