PORT MORESBY - Hindi na itinuloy ni Pangulong Duterte ang plano nitong bumalik sa bansa nang mas maaga at nagdesisyong ituloy ang pagdalo sa dalawang araw na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.

APEC 2018 Kasama si Pangulong Rodrigo Duterte (ikaapat sa likod) sa mga lider ng mga bansang miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) bago simulan ang APEC Business Advisory Council Dialogue sa APEC Haus sa Port Moresby, Papua New Guinea nitong Sabado, Nobyembre 17.

APEC 2018 Kasama si Pangulong Rodrigo Duterte (ikaapat sa likod) sa mga lider ng mga bansang miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) bago simulan ang APEC Business Advisory Council Dialogue sa APEC Haus sa Port Moresby, Papua New Guinea nitong Sabado, Nobyembre 17.

Sa halip na lumipad pauwi nitong Sabado ng gabi, tulad ng naunang plano, sinamahan ng Pangulo si Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill at ang iba pang Pacific Rim leader para sa panibagong pulong sa APEC Haus nitong Linggo.

Dinaluhan din ng pinuno ng Pilipinas ang natitira pang aktibidad sa APEC, kabilang ang pakikipagdayalogo ng mga lider sa International Monetary Fund, at ang APEC leaders’ retreat session, bago bumalik sa bansa Linggo ng gabi.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Umaga kahapon nang kinumpirma nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at Philippine Ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano na nasa Port Moresby pa ang Pangulo at inaasahang dadalo sa ikalawang araw ng APEC Summit tulad ng nasa orihinal na plano.

“Hindi naman umuwi kagabi. He wants to attend the meeting,” pahayag ni Tejano. “Nagustuhan niya ‘yung mga meeting dito.”

Nitong Sabado, inihayag ng Palasyo na puputulin ng Pangulo ang kanyang tatlong araw na bisita sa Papua New Guinea para umuwi nang mas maaga.

Samantala, ikinatuwa naman ni Finance Secretary Ramon Lopez ang naging desisyon ni Duterte na magpatuloy sa summit.

“Tama lang na nag-stay nga siya. So hindi ko alam kung ano ‘yun, hindi ko alam kung ano’ng nangyari doon,”pahayag ni Lopez.

Sa Papua New Guinea, humalili si Lopez kay Duterte sa isang Gala dinner para sa mga pinuno bagamat, hindi umano sigurado ang Kalihim bakit hindi ito dinaluhan ng Pangulo.

“I don’t know, maybe he’s not feeling well. I’m not sure. I’m not privy to the condition of the President. Ako naman, ang marching order to attend and to represent,” aniya.

“Si President naman has... sabi niya ang... usually, would like to regain energy para maka-attend ‘yung ngayon. Siguro that’s the reason kaya gusto niyang magpahinga para maka-attend,” sabi pa ni Lopez.

-GENALYN KABILING, ulat ni Argyll Cyrus B. Geducos