May pinatunayan ang San Beda sa NCAA 'three-peat'

BUKOD sa hangad na ‘three-peat’, isang malaking hamon sa San Beda Red Lions ang pasaring na hindi sila makalulusot sa presensiya ni Pirates top gun CJ Perez.

IIWAN ni Robert Bolick ang collegiate careers sa impresibong marka sa kampo ng San Beda College. (RIO DELUVIO)

IIWAN ni Robert Bolick ang collegiate careers sa impresibong marka sa kampo ng San Beda College. (RIO DELUVIO)

Nagbalik aksiyon ang last season MVP mula sa isang larong suspenson – kontrobersyal na desisyon ng Management Committee -- ngunit, hindi iito naging balakid sa Lions para ngatain ang Pirates sa Game 2 at kumpletuhin ang dominasyon sa maiksing best-of-three title series nitong Lunes sa MOA Arena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakaulit ang Red Lions sa Pirates,71-56 para masungkit ang sweep sa ikalawang sunod na season.

“Honestly, did they forget that we beat LPU in the second round with CJ there? It’s not San Beda’s fault that CJ wasn’t able to play in Game 1,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez, patungkol sa kontrobersyal na pagsuspinde sa Lyceum star player.

Nakopo ni Fernandez ang ikaapat na titulo bilang coach ng Red Lions.

“Give credit to my players. It became our fuel that some people thought we only won because LPU was without CJ. I do give credit to the coaching staff of LPU but please give credit to my players,” aniya.

“That’s really their mantra, let’s prove that we can beat LPU with CJ there.”

Pinangunahan ni San Beda forward Javee Mocon ang ratsada ng Mendiola-based cagers sa naiskor na 16 puntos at 11 rebounds bukod pa sa limang block, sapat para tanghalin siyang Finals MVP.

Samantala, sa kabila ng kabiguang natamo ng kanyang koponan, sinabi ni Perez na ikinararangal niya ang kampanya ng Lyceum.

“It’s a wonderful na journey for us, lalo na para sa akin kasi nakapaglaro ako sa Lyceum. Isang karangalan na nakapaglaro ako sa Lyceum at nakalaro ako sa Finals”wika ni Perez.

“Sobrang saya ko na nakasama ako sa LPU.”

“Walang regret as long as binigay namin ang very best namin. They are the better team, sabi nga ni coach, so walang regret na natalo kami ngayon,” pahayag ni Perez na lulusong na sa pro ranks sa pagsama sa PBA Rookie Drafting.

-Marivic Awitan