KINILALA ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang galing at husay ng mga indibiduwal na players para sa Season 94 sa pangunguna ni Prince Eze ng Perpetual Help na tinanghal na Most Valuable Players.

Tinanggap ng 6-9, 24-anyos na si Eze ang parangal sa seremonya bago ang game 2 ng NCAA Finals sa pagitan ng Lyceum of the Philippine at San Beda College nitong Lunes sa Araneta Coliseum.

Tangan ni Eze ang kabuuang 61.39 puntos na Player All-Around Value, para higitan sina Letran’s Bong Quinto (48.83), San Beda’s Robert Bolick (48.39), Javee Mocon (47.89) at Donald Tankoua (46.56), na bumuo rin sa First Mythical Team.

Hindi napasama sa binigyan ng parangal ang league leading scorer na si CJ Perez ng Lyceum bunsod ng suspensiyon na ipinataw sa kanya ng liga matapos magsumite ng aplikasyon sa PBA Rookie Drafting ng walang pormal na paalam.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Humakot ng kabuuang apat na parangal si Eze na tinanghal ding Defensive Player of the Year at bahagi ng Defensive Team.

“I feel like my team made me better, play on my strength and keep finding me. It was not easy for me to play, they’re the MVPs of my team,” pahayag ni Eze. “They know how to make me feel good even if I’m down, they put me in the right path to get the inspiration.”

Iginiit ni Eze na ang parangal ay magsislbing inspirasyon niya para tapusin ang Marketing Management education sa Marso.

“I told my mom that I will go here not just to play basketball, but to study too,” pahayag ni Eze.

Pinarangalan naman si Joel Cagulangan ng La Salle Greenhills bilang MVP sa junior division.