MABUTI na hindi ini-announce ni KC Concepcion ang pagdating sa bansa ng boyfriend niyang si Pierre-Emmanuel Plassart (PEP). Ginulat na lang niya ang kanyang followers sa social media nang mag-post siya ng photos na naliligo sila ng French boyfriend sa secret water falls sa The Farm, ng San Benito sa Batangas.

Pierre at KC copy

Nag-post din si PEP ng picture ng The Farm, at nang may magtanong kung sa Thailand ang lugar, sinabi niyang sa Pilipinas kuha ang litrato.

Bago ang picture nilang naliligo, may photos na rin si KC habang nasa The Farm, pero hindi niya kasama si PEP.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero may ilang fans si KC na nakakaalam na nasa bansa ang BF ng dalaga, at masaya sila para kay KC. Ang wish ng fans, habang nasa bansa si PEP ay mag-propose na sana ito kay KC para kasalan na ang kasunod.

Kulang na lang ay utusan ng fans sina KC at PEP na magpakasal at mag-baby na kaagad. Excited na kasi silang makita ang magiging anak ni KC kay PEP.

-Nitz Miralles