Laro Ngayon

(Calasiao Sports Complex)

5:00 n.h. -- TNT Katropa vs San Miguel Beer

PATATAGIN ang kampanya na makasambot ng puwesto ang kapwa tatangkain ng TNT Katropa at San Miguel Beermen sa kanilang pagtutuos ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Governors Cup sa Pangasinan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakda ang laro ganap na 5:00 ng hapon sa Calasiao Sports Complex sa bayan ng Calasiao.

Nasa solong ikalimang puwesto ang TNT na may patas na markang 4-4, kasunod ang Beermen na may 3-4.

Tatangkain ng Katropa na maiposte ang ika-4 na sunod nilang panalo habang back-to-back wins naman ang target ng SMB makaraang makabalik sa winning track noong nakaraang Oktubre 12 matapos pataubin ang Phoenix, 117-100.

Sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon, kung saan napag-iiwanan sila ng apat na panalo ng nangungunang Magnolia(7-1), tiwala pa rin ang Beermen na uusad sila sa playoff round.

“We just want to show that San Miguel is a playoff team,” pahayag ni Marcio Lassiter na kasama ni Christian Standhardinger na nag-stepped up para tulungan ang import nilang si Kevin Murphy na ibalik ang Beermen sa winners circle.

“San Miguel will be ready when the playoffs come,” ayon naman kay Standhardinger.

Parehas matagal na nabakante ang dalawang koponan, ngunit mas matagal na hindi nakalaro ang Katropa mula ng maungusan nila ang Northport noong nakaraang Setyembre 30, 104-102.