PANAY ang pasasalamat ni Sophie Albert sa viewers ng dramedy na Pamilya Roces ng GMA-7 dahil puring-puri ng mga ito ang acting niya bilang si Amber Bolocboc. Hindi akalain ng viewers na mahusay din palang komedyante si Sophie, at nakakasabay siya ng aktingan kay Elizabeth Oropesa, na gumaganap na ina niya sa serye.

Sophie Albert

Ang ganda lagi ng eksena ng mag-ina, lalo at pareho ang karakter nilang “loud”, “naive”, at “may pagkatanga”. Nakakatawa rin ang mga eksena nina Elizabeth at Sophie kapag nagko-convo na sila at parehong mali ang kanilang English.

Nag-react din si Sophie sa nag-comment na hindi nito akalaing magaling din pala sa comedy si Sophie, at bagay sa kanya ang karakter ni Amber.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“This makes me soo happy! Thank you! I appreciate it,” reaksiyon ni Sophie sa netizens.

Kinagigiliwan din ng viewers ang tarayan nina Carla Abellana at Sophie bilang half-sisters sa serye. Kung gaano kasi ka-class at Inglisera ang pagtataray ni Carla, Tagalog, pa-bakla at jologs naman ang ganting pagtataray sa kanya ni Sophie, kaya mas nakakatawa. Marami pang tarayan nina Carla at Sophie sa susunod na mga episodes, kaya abangan.

Malungkot lang si Sophie dahil hindi napapanood ng kanyang ama ang mahusay niyang acting sa Pamilya Roces. Seventeen years na kasing comatose ang ama ni Sophie, kaya wala itong napapanood sa kahit isa sa mga TV shows ng anak.

-Nitz Miralles