KASABAY ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month, ilalarga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ikaapat na yugto ng Indigenous Peoples Games sa Oktubre 27-29 sa Benguet.
Pangungunahan ni PSC Commissioner Charles Raymond Maxey ang pakikiisa sa mga local at katutubong opisyal upang mabigyan nang sapat na exposure ang tradisyunal na mga laro at mabigyan nang sapat na ayuda para mapanatili sa kamalayan ng sambayanan.
Halos dalawang buwan ang ginugul nang mga miyembro ng coordinating council kasama si Benguet Provincial Sports Coordinator Denmark Monang para mailagay sa ayos ang lahat nang pangangailangan sa IP Games.
Kabuuang 500 katutubo ang inaasahang lalahok sa torneo, ayon kay Karlo Pates, Executive Assistant ni Commissioner Maxey.
“We are expecting around 500 participants in this edition,” pahayag ni Pates.
Kasunod ng benguet leg, nakahanay din ang Bukidnon IP Games sa Nobyembre.
Ang unang tatlong edisyon ng IP Games ay ginanap sa Davao del Norte,Lake Sebu, South Cotabato at Ifugao.
-Annie Abad