MABABASA sa Instagram (IG) ni Mega star Sharon Cuneta ang welcome message niya para kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na isa nang bagong miyembro ng Kapamilya network: “My Songbird and I now live in the same HOME!!! Woohoo!!! Welcome, my Regine!!!”
Sinagot naman ni Regine ang post ni Ate Shawie ng, “Ayhiii thank you my Mega I love you.” Matatandaang si Sharon ang isa sa mga naunang nagbalita na lilipat sa ABS-CBN si Regine, kaya nga hindi na nagulat ang ibang Kapuso viewers sa paglipat ng Songbird sa Kapamilya network dahil nabasa nila ang post ni Sharon.
Inanunsiyo rin ni Sharon sa kanyang 40th concert na magsasama sila ni Regine sa isang show, pero hindi niya nilinaw kung sa telebisyon o concert. Ilang report ang nagsabing gagawa raw ng show si Regine sa a ABS-CBN ngunit hindi pa kumpirmado kung magiging host siya ng isang singing competition.
Samantala, nabanggit sa official statement na inilabas ng GMA Network tungkol pag-alis ni Regine, na isa sa dahilan ng paglipat ni singer-actress ay para makasama ang asawang si Ogie Alcasid sa ABS-CBN.
Narito ang official statement ng GMA Network: “After two decades, Regine Velasquez-Alcasid has officially said her goodbyes to the Kapuso Network. We understand her decision to join her husband and we wish her well as she pursues other opportunities outside GMA Network.”
Ang unang appearance ni Regine bilang Kapamilya ay sa ASAP Live in Sydney sa October 20 habang sa November naman siya mapapanod nang live sa ASAP.
-NITZ MIRALLES