ANG dating sexy actress na si Rosanna Roces ang napili ng RSB Unit para samahan ang male hunks ng showbiz, gaya nina Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Jake Cuenca, Joshua Colet, at Albie Casiño sa seryeng Los Bastardos na mapapanood na sa Oktubre 15 sa Kapamilya network.

Bilang si Irma, mother role ang gagampanan dito ni Rosanna, na magpapamalas muli ng kanyang husay sa pag-arte sa kanyang pagbabalik-telebisyon.

Halos isang dekada nang nawala sa showbiz si Osang, kaya naman nag-uumapaw ang kanyang saya na muli siyang mapapanood sa telebisyon.

Sa katunayan, sa kanyang Instagram ay ibinida niya ang ilang larawan ng bago niyang TV project.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

-Ador V. Saluta