NAGSIMULA nang mag-shooting sina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez ng Star Cinema movie nilang Three Words to Forever.

Nasa Instagram ni Sharon ang photos nila ni Richard, pati ang pagkain nila ni Richard ng apple na bagoong ang sawsawan.

Nasa IG Story din ni Richard ang photos nila ni Sharon, at may caption na “first day shooting” para sa movie nila, na sa November na ang playdate.

Mukhang dito pa lang sa Metro Manila ang shooting nina Sharon at Richard, at hindi pa sila nagsu-shoot sa Ormoc City, Leyte.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, sa lakas ng sigawan, tuwa at kilig ng audience sa Smart Araneta Coliseum sa duet nina Sharon at Richard sa katatapos lang na anniversary concert ni Sharon, siguradong huge box-office hit ang Three Words to Forever.

-Nitz Miralles