“EH, di mabuti naman.”

Elizabeth copy

Ito ang naging reaksiyon ni Elizabeth Oropesa sa isyu kaugnay ng pagre-resign nitong Miyerkules ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

“She’ll be freer to speak her mind. Lahat ng gusto niya sabihin, masasabi na niya dahil wala na siya sa gobyerno,” patuloy ni Elizabeth.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa ni Elizabeth, na nakausap namin sa presscon ng dramedy ng GMA-7 na Pamilya Roces , hindi siya galit kay Mocha. Naaasar lang daw siya dahil hindi nito alam ang Naga City. Bicolana pa naman si Elizabeth.

Matatandaang nalito si Asec Mocha at nabanggit nito sa isang panayam na ang Bulkang Mayon ay nasa Naga.

“Doon ako na-off sa video niya and her friend (blogger Drew Olivar) about federalism. I take it seriously at very important sa akin ang usaping ‘yun to be disrespected dahil batas’yun. Ang daming nangyayari sa bansa, ‘wag na nating dagdagan pa,” wika ni Elizabeth.

Samantala, ipino-promote ni Elizabeth ang pilot ng Pamilya Roces sa October 8, pagkatapos ng Onanay. Aminado ang aktres na mahirap ang role niya dahil magpapatawa siya rito. Sa experience niya, mas mahirap magpatawa kaysa magpaiyak. Pero dahil komedyante raw siya in real life at mga kaibigan ang kasama niya sa cast, nagawa niyang magpatawa.

Role ni Violet Balocboc, na naka-one night stand ni Rodolfo Roces (Rot Vinzon) ang ginagampanan ni Elizabeth sa Pamilya Roces. Kabilang ang mga eksena niya at eksena nila ni Gloria Diaz sa magpapatawa sa viewers, at dinagdagan pa sa on-ppoint na pagde-deliver nila ng punchlines.

“Kung gusto niyong ma-entertain, matawa at matuwa, sundan n’yo ang Pamilya Roces . Nakakatuwa ang lahat ng eksena rito, at ang daming makaka-relate, lalo na ang kalalakihan na may second and third wife.

“Ako, naka-relate dahil ang husband ko dati na si Meng Fei, may second, third and fourth wife. Ako ang legal wife, at ako ang nagbibigay ng allowance sa iba niyang asawa. Mayaman ‘yun, kaya niya ang apat na asawa,” patuloy ni Elizabeth.

Naging kaibigan ni Elizabeth ang tatlo pang asawa ni Meng Fei, pero sa Pamilya Roces, sila ni Natalia (Gloria Diaz), ang legal wife ni Rodolfo, ang naging magkaibigan. Kaaway naman nila ang third wife ni Rodolfo na si Lily (Ana Roces).

-NITZ MIRALLES