SINIMULAN ang presscon ng Para Sa Broken Hearted sa pag-awit ni Janine Teñoso ng theme song ng pelikula, entitled Ang Awit Natin.

Janine copy

Two years ago nang sumali si Janine sa A Star is Born ng TV5. Hindi man siya naging champion ay kaagad siya inalok ng Viva ng recording contract.

Si Janine rin ang umawit ng theme song ng Sid & Aya: Not A Love Story, at The Barker.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Lubos ang paghanga ng 19-year-old singer kina Sarah Geronimo at Adele.

“Hindi lang magaling umawit si Sarah kundi mahusay sumayaw at umarte. Sobra ang bilib ko kay Adele dahil mahusay siyang kumatha ng kanta. She has received so many music awards pagpapatunay how brilliant she is as composer,” sabi ni Janine.

Naranasan na kaya ni Janine ang maging broken hearted?

“Hindi pa po, Tito, dahil wala po akong boyfriend,” sabi niya

-REMY UMEREZ