Isang estudyante sa Canada ang nagpadala ng email sa mahigit 240 babae na may pangalang Nicole mula sa school directory ng kanyang paaralan upang hanapin ang babaeng ‘Nicole’ na nakilala niya sa isang bar.
Ayon kay Carlos Zetina, estudyante ng University of Calgary, nakilala niya sa isang bar ang babae na nagngangalang Nicole, ngunit wala umanong sumasagot sa numerong ibinigay nito.
Kaya naman naisip niyang tingnan ang school directory at i-email ang nasa 247 Nicole sa isang single email dahilan upang makita ng mga Nicole ang kani-kanilang email address.
“If you don’t fit this description then ignore and if you are the one and just don’t want to talk to me that’s OK as well,” saad ni Zetina sa kanyang email.
“The first person who replied removed Carlos from the email and all of us said, ‘hey should we all reply saying we are the real Nicole?,” pahayag ng isa sa mga Nicole.
Dahil dito gumawa ng isang sariling Facebook group ang mga babae na pinangalanang “Nicole From Last Night,” at nagkaroon pa ng meet-up event para sa magkakapangalang estudyante.
Samantala, tagumpay pa rin ang lalaki na makita ang ‘Nicole’ na hinahanap niya.
UPI