MONTREAL (AFP) – Sa kanilang unang pagpupulong nitong Sabado, nangako ang mga babaeng foreign minister na maghahatid ng ‘’women’s perspective’’ sa foreign policy.

Tinipon ng dalawang araw na pagtitipon sa Montreal simula nitong Biyernes, ang mahigit kalahati ng top women diplomats ng mundo para talakayin ang maraming isyu tulad ng conflict prevention, democratic growth at pagbura sa gender-based violence.

Ibabahagi ng ministers ang lahat ng kanilang mga napag-usapan sa mga pagpupulong na ginanap bilang parte ng United Nations General Assembly sa New York sa susunod na linggo.

Pinagsama-sama ng kumperensiya ang ministers mula sa Canada Andorra, Bulgaria, Costa Rica, Croatia, Dominican Republic, Ghana, Guatemala, Honduras, Indonesia, Kenya, Namibia, Norway, Panama, Rwanda, Saint Lucia, South Africa, Sweden, at ang European Union diplomatic.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina