MAY sakit si Megan Young, nilalagnat at paos siya nang bumisita kami sa taping ng kanilang Afternoon Prime drama series na The Step Daughters sa isang mansiyon sa Antipolo City. Wala siyang reklamo at tuloy ang taping nila dahil sunud-sunod na ang mga rebelasyon sa story.

“Saka hindi ko po imi-miss ang makatrabaho ang mga kasama ko rito dahil, masaya kami lagi sa set,” sabi ni Megan. “Sa story po lamang kami laging nag-aaway ni Isabelle (Katrina Halili) pero off-camera, sama-sama kami palagi. Wala po kaming naging problema simula pa nang mag-taping kami under Paul Sta. Ana.

Nagsimula pala silang nag-taping noong November, 2017 at naipalabas sila simula noong February 12, at naging consistent ang mataas nilang rating.

“Masaya ako kasi ito ang first teleserye ko na magkasama kami ni Mikael (Daez). At so far, ito ang pinakamatagal kong ginawang teleserye. Ang ganda ng samahan namin sa set, si Katrina, hindi mo maririnig na magreklamo, kahit iyong mahihirap na away namin, gagawin niya basta kaya niya. At hindi pa matatapos ito, tuluy-tuloy pa rin ang away namin.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayaw mag-preempt ni Megan ng possible na eksena nila leading sa pagtatapos ng teleserye, marami pa raw mangyayari. Hindi rin nila alam kung hanggang kailan pa sila dahil wala pang sinasabi sa kanila.

Saan sila pupunta ni Mikael pagkatapos ng The Step Daughters? Travel buddies ang dalawa at kung may chance silang magbakasyon within their taping days, ginagawa nila. Like last month ay nag-attend siya sa wedding ng sister ni Mikael sa Paris.

“Nagpa-book na po si Mikael noon pa for Iceland at itutuloy namin ang trip kapag puwede na kaming umalis.”

Eight years na ang relasyon nina Megan at Michael, hindi pa ba sila magpapakasal?

“Ako po, I’m ready for anything. Kung magpapakasal na kami, gusto ko lang ay simple wedding, na nandoon lahat ng family namin ni Mikael at ang mga close friends namin,” sabi ni Megan.

Ang The Step Daughters ay napapanood daily, after ng Ika-5 Utos sa GMA-7.

-NORA V. CALDERON