THIRTY years old na si Glaiza de Castro, pero ngayon lang yata siya nagpakilala ng special someone niya sa publiko. Finally ay naging open na siya sa pagpapakilala sa Irish surfer na na-meet niya sa Siargao, si David.

Glaiza at David copy

Nagkaroon na rin naman ng boyfriend noon si Glaiza, pero tikom ang bibig niya kapag pinag-uusapan iyon.

Nai-feature na si David sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Tuesday evening, sa interview ni Lhar Santiago kay Glaiza. Hindi naman nagdamot ng kaunting information ang aktres tungkol sa surfing instructor from Ireland.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Na-meet ko siya nang magbakasyon ako sa Siargao at siya ang nagturo sa aking mag-surf,” kuwento ni Glaiza. “Every now and then, bumabalik siya rito at nagkikita kami. Aalis ako for London para maghanap ng school na pwede akong mag-aral ng music production. Magkikita kami roon at gusto rin daw niyang pumasyal ng London.”

Maikli lang ang kuwento ni Glaiza tungkol kay David, at pinansin din namin ang new hairstyle at color ng hair ni Glaiza, na kamukha ng color ng hair ni David. Sinabi ni Glaiza na ipinaputol niya nang maikli at pinakulayan ng bago ang kanyang hair after ng Contessa, na iba’t iba ang color ng hair na ginamit sa kanya.

Magaganda naman ang comments sa Instagram ni Glaiza tungkol sa kanila ni David.

“Bagay silang maging magkapatid.”

“Magkamukha sila, ang cute!”

“Gandang mix... bagay… sarap nitong ipares.”“Bagay sila.”

Wait na lang tayo pagbalik ni Glaiza from London kung may bago siyang balita tungkol kay David.

Humingi talaga ng bakasyon si Glaiza sa GMA Network after ng Contessa to rest at mag-aral muna. Pagbalik niya siguro ay may bago na siyang teleserye.

Pero bago umalis ay nag-guest muna siya sa Victor Magtanggol ni Alden Richards, kasama ang mga sang’gre ng Encantadia, o sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.

-NORA V. CALDERON