Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Northport vs Blackwater

7:00 n.g. -- Phoenix vs Meralco

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAKATABLA sa defending champion Barangay Ginebra sa maagang liderato ang tatangkain ng Blackwater sa muli nilang pagsabak ngayong hapon sa pagbabalik-aksiyon ng PBA Governors Cup Araneta Coliseum.

Makakatunggali ng Elite sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon ang wala pang panalong Northport Batang Pier bago ang huling laro ganap na 7:00 ng gabi tampok ang Phoenix at ang Meralco.

Muling umaasa si Elite coach Bong Ramos na maikakasa nila ng maayos ang kanilang depensa para makamit ang asam na ikatlong sunod na panalo para makasalo sa pamumuno ng Ginebra (3-0).

“If we can play defense, if we can stay close, we can salvage an upset,” pahayag ni Ramos makaraang makamit ang ikalawang sunod na panalo na nagtabla sa kanila sa Magnolia sa ikalawang puwesto kontra San Miguel Beer, 103-100 noong Setyembre 5.

Sasandigan ni Ramos upang muling pangunahan ang Blackwater sina import Henry Walker, Poy Erram, Mikee DiGregorio at Nard Pinto.

Sa kabilang dako, magkukumahog namang makasingit sa win column pagkaraan ng apat na sunod na kabiguan ang Batang Pier.

Samantala sa huling laro, magtatangka namang kumalas sa pagkakabuhol nila ng Alaska sa ikatlong puwesto taglay ang markang 3-1, panalo-talo ang Phoenix Petroleum sa pagsagupa nila sa Bolts (1-2) na nais namang bumangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo.

Huling nabigo ang Meralco noon pang Agosto 24 sa kamay ng Alaska.

Ang laban nilang ito ang magiging huli nilang laro bago umalis at magtungo ng Thailand bilang kinatawan ng bansa sa FIBA Champions Cup na magsisimula sa Setyembre 27.

-Marivic Awitan