LUCENA CITY, Quezon- Pinagbabaril at napatay ng isang lalaki ang isang manager ng Quezon Metropolitan Water District (MQWD) sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Raymundo Oliver, 42, production manager ng QMWD, at taga-Bgy. Isabang, Tayabas City, Quezon, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap pa ngayon ng pulisya ang suspek na si Albino Doria, alyas “Coco”, 43, ng Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Ang insidente ay naganap sa Pleasantville Subdivision sa Bgy. Ilayang Iyam, dakong 7:00 ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Supt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi Montero (RHN-373) at nang makarating sa Rizal Street ay bigla itong bumaba sa hindi malamang dahilan.

Bigla itong sinundan ng suspek at nang malaman na sinusundan ito ay tumakbo na lamang ang biktima.

Nang makorner ng suspek ang biktima sa Bajasa Compound ay bigla na lamang ito pinagbabaril, damit ang .45 caliber pistol.

Sa follow-up operations, hindi na nadatnan ng pulisya ang suspek sa bahay nito ang suspek, at tanging narekober lamang ng pulisya ang Toyota Avanza na ginamit nito bago ang insidente, ayon na rin sa closed-circuit television (CCTV) footage.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

-Danny J. Estacio