CALANASAN, Apayao – Patay ang isang babaeng inhinyero nang barilin ng dati nitong karelasyon sa Omengan Construction Development Corporation (OCDC) campsite, Poblacion, Calanasan, Apayao, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Calanasan Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Joylin Liyaban, 27, site engineer, ng Tabuk City, Kalinga, habang sugatan naman si Cleto Macklinic, 27, dump truck driver, ng Paracelis, Mt. Province.

Nagpakamatay naman matapos isagawa ang krimen si Reden Garcia, 33, dump truck driver, ng Tabuk, Kalinga.

Sa imbestigasyon, nagpapahinga sa kanyang kuwarto si Libayan nang pasukin ng suspek na armado ng cal. 45 pistol, dakong 6:40 ng gabi.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Binaril ni Garcia si Liyaban at habang tumatakas ay nakita niya si Macklinic at binaril din.

Matapos ang insidente, nagbaril din sa sarili ang suspek.

Tinangkang isugod sa ospital si Libayan, ngunit dead on arrival.

Naka-confine naman si Macklinic dahil sa tama ng bala sa kamay.

Ayon sa awtoridad, nagkaroon ng relasyon ang biktima at ang suspek nitong nakalipas na Hunyo at matapos ang dalawang buwan ay nakipaghiwalay umano si Liyaban.

-Rizaldy Comanda