Inatasan ng Commission on Audit ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Securities and Exchange Commission na ibalik sa gobyerno ang P13.77 milyon na premium payments para sa private health care insurance ng mga tauhan ng ahensiya noong 2010 at 2011. Inilabas ng CoA Commission Proper ang tatlong pahinang desisyon matapos magsagawa ng automatic review sa Notice of Disallowance na inisyu ng National Government Sector Cluster 2 na nagdedeklara sa P13,775,406.25 payment para sa health insurance premium bilang prohibited expenditure.

Ang mga pinapanagot ng panel ay sina dating Chairperson Fe B. Barin; Commissioners Ma. Juanita Cueto and Eladio Jala; Director Adelaida Navarro- Banaria, Asst. Directors Thoureth De la Cruz, at Renato Santos.

-Ben R. Rosario
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji