TOKYO (AFP) – Humingi ng paumanhin kahapon ang Japanese government dahil sa pagpapalobo sa bilang ng mga taong may kapansanan na kinukuha nito sa trabaho para maabot ang legal quotas sa ‘’highly regrettable’’ na eskandalo.

Libu-libong walang kapansanan na empleyado sa 27 ministries at government agencies ang binilang na disabled, inamin ng Tokyo.

‘’We deeply apologise for something that should not have happened to the government, which has a responsibility to secure and stabilise employment of people with disabilities,’’ sinabi ni government spokesman Yoshihide Suga sa regular news conference.

Inanunsiyo niya ang paglikha ng working group para imbestigahan kung paano dinagdagan ang disabled employment figures.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'