NAG-BACKOUT pala si Teresita “Winwyn” Marquez sa bagong primetime teleserye ng GMA-7 na Pamilya Roces. Maselan daw kasi ang role na gagampanan dapat ng beauty titlist, at taliwas ito sa advocacy niya para sa kabataan.

Winwyn

Excited pa naman si Winwyn na magsimula ng taping nang makausap namin siya noon sa presscon ng Unli Life. Sinabi rin niyang excited siyang makatrabaho si Direk Joel Lamangan at ang buong cast. Looking forward pa naman si Winwyn na maka-love triangle sina Carla Abellana at Rocco Nacino.

Nakausap na raw ni Winwyn si Direk Joel at nakapagpaalam na siya nang maayos dito. Naintindihan naman daw ng premyadong direktor at ng lahat ng involved sa teleserye ang rason ni Winwyn. Anyway, hindi pa naman siya nagte-taping kaya wala siyang nasirang continuity, at wala ring uuliting eksena.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-post naman si Winwyn sa social media: “Medyo sad na I won’t be part of the show anymore dahil sa slight conflict. But all is well Abangan pa din ang Pamilya Roces.”

Kahit naudlot ang teleserye, hindi naman mababakante si Winwyn dahil may gagawin siyang pelikula sa Regal Entertainment, to be directed by Joey Reyes, at makakasama niya si Enzo Pineda. Hindi pa binanggit ang title ng movie.

-Nitz Miralles