“ANG guwapo ni Kit (Thompson)!” Ito ang naibulalas ng isang katoto sa media day para sa pelikulang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kamakailan.

Kit copy

Hindi namin kaagad nakilala si Kit, dahil ang laki ng ipinagbago ng hitsura niya at wala kaming ideya na narito na pala siya sa Pilipinas, dahil nga ang alam namin ay nag-aaral siya ng acting sa Amerika.

Ayon kay Kit, tatlong taon siyang nawala sa bansa.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“Nag-aral po ako sa New York Film Academy for one year and also sa Los Angeles (California) nu’ng lumipat ako when I signed an agency there, nag-aral din po ako. And now I’m back. I’m gonna do independent film with Atty. Joji (Alonso). First feature film niya, she’s directing and (will) produce. Yeah, there’s gonna be digital that’s coming up and a soap. So far, I’m staying na, looks like,” sabi ni Kit.

Sa The Hows of Us, gaganap si Kit bilang pinsan ng karakter ni Daniel.

“Ako po si Darwin, na pinsan ni Primo (Daniel), na taga-Italya po at nagtatrabaho sa Amsterdam,” kuwento ni Kit.

Ikalawang beses nang nakatrabaho ni Kit si Direk Cathy Garcia-Molina. Una silang nagkasama sa launching teleserye nina Enrique Gil at Liza Soberano na Forevermore, pero hiningan pa rin namin siya ng experience kung paanong katrabaho ang direktor, na ang trademark ay naninigaw kapag hindi makuha ang tamang pag-arte.

“Bale second time ko ito kay Direk Cathy, pero parang first time every time. Chill naman si direk, eh,” sabi ni Kit sabay tawa. “Chill naman kapag nakukuha mo ‘yung tono and everything. Everything will be smooth, siyempre as an actor kailangan mo ring intindihin the other side, kasi it’s a collaboration.”

Samantala, natandaan ng lahat na kaya nawala noon si Kit sa Forevermore ay dahil lumipad nga siya patungong Amerika para mag-aral ng film acting at naging modelo rin sa LA.

Samantala, may upcoming project si Kit para sa 2019 Cinemalaya, at makakasama niya ang premyadong aktres na si Mylene Dizon. Natanong ang aktor kung gagawin niya ulit ang mapangahas niyang eksena sa pelikulang Hashtag Y na napasama sa 2014 Cinemalaya, na may masturbation scene siya habang nagsa-shower.

Kaya na ba niyang mag-frontal nudity o lampasan ang masturbation scene?

“Oo naman! Oo naman. Kung kaya,” sambit ni Kit. “Basta ako, [kung] magugustuhan ko ‘yung script, gagawin ko.”

Mapapanood na ang The Hows of Us sa Agosto 29, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

-REGGEE BONOAN