Ipinagtanggol ang Sen. Panfilo Lacson ang mga pulis na humuli sa tatlong abogado na naabutan sa loob ng nilusob na bar na pinaghihinalaang ginagawang lugar para sa transaksiyon sa ilegal na droga sa Makati City.

Sa mga video kasi na naglabasan, makikitang natameme ang tatlong abogado na nasa loob ng bar, bagama’t tumangging ibigay ang kanilang mga pangalan, nang tanungin ng isa sa mga miyembro ng raiding team kung sino ang ikinakatawan ng mga ito.

Dahil dito, nanawagan si Lacson na pakinggan muna ang buong panig at paliwanag ng mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na lumusob sa lugar bago magbigay ng iba’t ibang kuro-kuro sa mga pangyayari.

“Let us not be too hasty or harsh in condemning the NCRPO without getting their side of the story,” panawagan ni Lacson, na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

-Leonel M. Abasola