UNANG nagkasama sa Encantadia sina Mikee Quintos at Kate Valdez. Sa simula ay magkaaway ang characters nila pero bago natapos ang fantaserye ay nagtutulungan na sila.

Mikee at Kate

Simula noon ay naging best friends forever (BFF) na sila, kahit pa nga lagi silang magkaaway sa mga sumunod nilang guestings at projects sa GMA 7.

Pero ngayon, sa Onanay, ay hindi nila alam na magkapatid sila. Hindi kasi lumaki si Rosemarie/Natalie (Kate) sa piling ng tunay nilang ina na si Onay (Jo Berry). Si Maila (Mikee) ang lumaki sa ina, pero hindi siya matanggap ni Onay, dahil bunga siya ng rape. Si Natalie naman ay dinala sa abroad ni Helena (Cherie Gil), biyenan ni Onay, hanggang sa bumalik sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa unang pagkikita ng dalawa ay pareho na silang teenagers. Hindi nila alam na magkapatid sila, pero dahil tinulungan ni Maila si Natalie minsang may gustong bumastos dito ay naging magkaibigan na sila. Wala rin kasing alam si Maila na si Natalie ay ang kapatid niyang si Rosemarie, na matagal nang hinihintay ng kanilang ina.

“Friendship goals po kami ni Natalie sa story, dahil hindi nga namin alam kung sino kami,” kuwento ni Mikee. “Hindi po namin alam kung ano ang mangyayari sa friendship namin kapag nalaman na namin ang totoo.”

“Ako po ang mataray dito,” natatawang wika ni Kate. “Pero BFF kami simula nang magkakilala kami. Sa eksena lang po ‘yung katarayan ko, kapag nalaman na namin na iisa pala ang ina namin, ang babaeng hindi ko matanggap na aming ina.”

In real life, malapit nang mag-debut si Kate, kaya tiyak na may participation si Mikee sa magaganap na party ng kanyang BFF.

Samantala, thankful ang buong cast ng Onanay dahil patuloy na mataas ang rating ng serye, na kabilang sa mga gabi-gabing inaabangan ang confrontation scene nina Cherie at ni Nora Aunor, na gumaganap na magbiyenan.Napapanood ang Onanay gabi-gabi, pagkatapos ng Victor Magtanggol.

-Nora V. Calderon