NAANYAYAHAN si Bro. Jun Banaag na maging commentator sa ordination ng isang pari sa Batanes sa September 10. Sa pagkakataong ito, makakasama ni Bro. Jun sa napakagandang isla ang beteranang aktres at masugid natagasubaybay ng Dr. Love radio show na si Gina Pareño.

Gina

Excited ang premyadong aktres na personal na masaksihan ang sagradong ritwal ng isang magiging alagad ng Panginoon.

Ayon kay Bro. Jun, isa itong karanasang bihirang masaksihan, at titinag sa damdamin. Dugtong pa niya, ang pagdapa ng bagong pari sa harap ng Diyos is a humbling experience.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang pagpunta sa Batanes ay magsisilbing bakasyon na rin ni Gina, na hanggang ngayon ay aktibo sa pag-arte. Sa kabila ng pagiging mabuting magkaibigan, nai-starstruck pa rin si Bro. Jun kapag napapanood ang mga pagganap ni Gina, gaya sa teleserye ng Dos na FPJ’s Ang Probinsiyano.

Guest ang aktres sa radio program ni Bro. Jun upang i-promote ang special participation niya sa indie movie na Wander Bra. May isa pang pelikula si Gina, ang Hantayan sa Langit, opposite veteran actor Eddie Garcia, na tulad niya ay produkto rin ng Sampaguita Pictures.

Isa pang wish ni Gina ay ang makasama sa pilgrimage sa Holy Land bago matapos ang taon, na ang spiritual director ay si Bro. Jun din.

-REMY UMEREZ