MAAGANG mapapalaban si reigning Best Import Allen Durham at ang Meralco Bolts sa pakikipagtuos sa Columbian Djip sa pagbubukas ng PBA Governors Cup sa Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo.

Haharapin ng Bolts, sa pangunguna ni Durham, dalawang ulit na runner-up sa Ginebra sa season-ending conference, ang Djip, na bibidahan ni import Akeem Wright sa tampok na laro sa double-header ganap na 4:30 ng hapon.

Maghaharap naman ang TNT Katropa at NLEX Road Warriors ganap na 7:00 ng gabi kung saan ipaparada ng Katropa si import Mike Glover, habang lalaro sa Road Warriors si Olu Ashaolu.

Sisimulan naman ng Barangay Ginebra, galing sa matagumpay na kampanya sa nakalipas na Commissioner’s Cup, ang pagdepensa sa korona sa Setyembre 2.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Lalaro sa kanyang bagong tropa si Calvin Abueva para sa Phoenix Fuel Masters kontra Columbian sa Agosto 22 sa Smart Araneta Coliseum, habang magtutuos ang Magnolia Pambansang Manok, sa pangunguna ni dating Best import Romeo Travis, kontra sa NLEX.