“Pro-China” ang lahat ng mga bansa sa Southeast Asia, dahil sa malaking tulong nito sa kanila.

Ito ang isiniwalat ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa entrepreneurship forum, na dinaluhan ng mga diplomats, negosyante at mga opisyal ng gobyerno sa Malacañang, nitong Martes.

“I’ll tell you straight, the ASEAN countries, you try to befriend them and give aids and everything,” giit ni Duterte.

“In the ASEAN countries, I’ll tell you all of them except a — nothing… You want to read their sentiments? You want to know? Oh I will do it for you. They are all pro-China because China does not really… They give,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang ASEAN ay binubuo ng mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, the Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Ang China ang isa sa pangunahing katuwang ng rehiyon sa kalakalan, depensa at iba pang bahagi ng kooperasyon. Ito’y sa kabila ng pakikipag-agawan ng karapatan ng Pilipinas, Brunei, Malaysia at Vietnam sa China hinggil sa ilang bahagi ng South China Sea.

Nitong Hunyo, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi lahat ng miyembro ng ASEAN ay nakasuporta sa US sa kabila ng tulong na natatanggap sa Amerika.

“Akala mo ‘yang ASEAN countries? Akala ng Amerikano, may impluwensya sila? Aid dito, aid doon? Well, I’ll be frank with you now, all of them are not for you. They do not bleed their hearts for you,” sambit ng ng Pangulo.

Sa kanyang talumpati nitong Martes, nanawagan din ang Pangulo sa China “to temper it’s behavior” sa South China Sea, matapos kumalat ang mga ulat ng pananakot sa Philippine military aircraft fling.

Sinabi ni Duterte na “wrong” para sa isang bansa na gumawa ng isang artificial island at kamkamin ang pag-aari nito sa himpapawid sa taas ng teritoryo.

“The right of innocent passage is guaranteed. It does not need any permission to sail through the open seas. And if it’s nearby a territorial water, you guarantee what you would call the right of innocent passage,” aniya.

-Genalyn D. Kabiling