CAMP COL. RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Patay ang isang pulis sa buy-bust operation sa Purok 9, Barangay Tolosa, Cabadbaran City, Agusan del Norte province, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Supt. Noli A. Romana, regional director ng Northeastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13), ang napatay na pulis na si PO1 Ric Lyndon Cena, aktibong miyembro ng Philippine National Police assigned to RTR Municipal Police Station (MPS), sa Agusan del Norte.

Nagsagawa ng drug bust operation ang mga tauhan ng Cabadbaran City Police Station (CCPS), sa pakikipagtulungan sa PDEA13, sa ganap na 2:10 ng hapon nitong Lunes.

Sa naturang operasyon, napansin ni Cena na ang kanyang katransaksiyon ay miyembro ng 13th Police Regional Special Operation Group (RSOG) at bumunot umano ng baril at nakipagbarilan sa mga pulis hanggang sa bumulagta ang suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinugod si Cena sa Cabadbaran Emergency Hospital sa Cabadbaran City, ngunit hindi umabot nang buhay.

Narekober sa pinangyarihan ang 9mm pistol, limang basyo ng 'di tukoy na baril, dalawang cell phone, isang motorsiklo, dalawang plaka ng motorsiklo, isang maliit na pakete at apat na malalaking pakete ng umano’y shabu, sampung maliliit na pakete ng umano’y shabu at P1,500 buy-bust money, ayon kay Chief Supt. Romana.

-Mike U. Crismundo at Fer Taboy