Posible umanong matuldukan ang “padrino system” sa mga aplikante ng Philippine National Police (PNP) dahil sa isinulong na bar coding scheme, na katulad sa nakikita sa mga produkto o pagkain.

Personal na pinangasiwaan kahapon nina PNP Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang ceremonial kick off ng 500 aplikante sa pagkapulis sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City.

Ayon kay Albyalde, ang lahat ng magpupulis ay isasailalim sa robust neuro psychiatric medical at dental screening system.

Bukod pa rito, aniya, ang pagkakaroon ng sariling bar code number ng lahat ng aplikante na hindi maaaring gamitin ng iba.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ayon pa sa PNP chief, layunin nitong maalis ang mga may kamag-anak na opisyal sa PNP at maiwasan ang padrino system.

Paliwanag ni Albayalde, maging siya ay hindi alam ang bar code number o profile ng PNP applicants, at ang computerized system ng mga aplikante sa pagpupulis ay bahagi ng pinaigting na internal cleansing ng PNP.

Dagdag pa ni Albayalde, ang robust neuro psychiatric medical at dental screening ay nasa National Capital Region (NCR) pa lamang at gagawin na rin sa Visayas at Mindanao.

-Bella Gamotea