INILIPAT ang iskedyul nang laban ni IBF superflyweight world champion Jerwin Ancajas kontra Mexican slugger Alejandro Santiago Barrios.

Sa panayam, sinabi ni matchmaker Sean Gibbons, na itinakda ang ikaanim na pagdepensa ni Ancajas sa titulo sa September 29 (Sept. 30 sa Manila) sa Pechanga, California, upang mas mabigyan ng atensyon ng Pinoy champ ang maybahay na nakatakdang magsilang ng kanilang panganay.

Ayon kay Gibbons, magagamit na sukatan ni Ancajas (30-1-1, 20 KOs) si Santiago para mapagtanto ang kahandaan para harapin ang mga matitikas na fighters sa 115-pound division tulad nina top contender Juan Francisco Estrada at WBC champion Srisaket Sor Rungvisai.

“His goal is to fight (them) but right now due to Estrada having a fight September 8, Rungvisai has a fight (on October 6) then they’re going to fight each other. But Jerwin wants to fight guys who are similar in style,” pahayag ni Gibbons.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Orihinal na nakatakda ang laban sa Setyembre 14, ngunit iniatras ito ni Gibbons dahil sa kagustuhang mas maalagaan ni Ancajas ang maybahay na inaasahang magsisilbing sa ikalawang linggo ng naturang buwan.

Si Santiago Barrios ang kasalukuyang ranked 14th sa IBF ratings.

“He’s fighting a very tough, durable Mexican fighter and the reason we picked Santiago for this fight which is not mandatory but voluntary is Jerwin asked me to get fighters like Juan Estrada,” ayon kay Gibbons.

“That’s why Survival Camp is already making the necessary preparations to make sure Ancajas gives the fans his best come end of September.”

Nagpahayag naman ng kahandaan si coach Joven Jimenez para sa krusyal na laban ni Ancajas.

“We started training last month. We’ve been watching video and studying the moves of Santiago Barrios. We’ve been training based on what we’ve seen in the videos. Right now Jerwin’s training is at 86 to 87%. We are slowly building it up and he’s already started sparring,” pahayag ni Jimenez.

Galing si Santiago Barrios (16-2-4, 7 KOs) sa split draw nitong Marso laban kay Jose Martinez.