AYAW dumanas ng kahihiyan sa kamay ng panauhing San Sebastian College sa kanilang home court noong nakaraang Huwebes,tiniyak ni Prince Eze na hindi uuwing malungkot ang buong koponan ng University of Perpetual Help sampu ng kanilang mga fans sa huling yugto ng NCAA Season 94 basketball tournament on Tour mula sa kanilang gym sa Las Piñas.

“At halftime, I got mad actually,” pag-amin ni first-year Perpetual head coach Frankie Lim matapos silang matambakan ng hanggang 21 puntos ng Stags. “I told them, guys, it’s not about the Xs and Os. It’s about your desire to win.”

Tumugon naman si Eze at ang iba pang Altas at umalagwa sa third period upang magulantang ang San Sebastian..

Pagdating sa final canto, naging dikdikan ang laro hanggang sa final possession.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tabla sa iskor na 76-all, may 3.3 segundo na lamang ang natitira sa laban, tumawag si Lim ng kanilang huling timeout,upang gumawa ng play para kay Eze.

Sa pagpapatuloy ng laro, saktong nakuha ni Eze ang lob pass galing kay AJ Coronel para maibuslo ang game-winner , .5 segundo ang natitirang oras sa laro.

“I don’t want to lose whatever it takes,” ang 21-anyos na Nigerian student-athlete. “I know if I tap the ball, I’m still gonna catch it back. So I went inside.”

Dahil sa kanyang kabayanihan, si Eze na tumapos na may 22 puntos, 18 rebounds, at blocks, ang napili para maging Chooks-to-Go/NCAA Press Corps Player of the Week.

Tinalo ng nakaraang taong Best Defensive Player na si Eze para sa lingguhang parangal sina CJ Perez ng Lyceum, Robert Bolick ng San Beda, Bong Quinto ng Letran, at Alvin Capobres ng San Sebastian.

-Marivic Awitan