Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 62-anyos na mangingisda na iniulat na nawawala sa laot sa Iloilo, kamakailan.

Sa pahayag ng PCG, nailigtas nila si Vicente Baldonasa, ng Pili, Ajuy, Iloilo, habang ito ay palutang-lutang sa bahagi ng Guinisian Island, Iloilo, nitong Sabado ng hapon.

Si Baldonasa ay huling namataang nangingisda nitong Biyernes.

Pauwi na si Baldonasa nang mawasak ang kanyang bangka nang salpukin ng malalaking alon.

Ayon pa sa PCG, pinauwi na nila si Baldonasa.

Probinsya

Gov. Baricuatro, iniutos four-day work week, 'energy saving measures' sa Cebu

-Betheena Kae Unite