SINGAPORE (Reuters) – Sinimulan ng Singapore ang pag-scan sa mata ng mga biyahero sa ilang border checkpoints nito, sinabi ng immigration authority nitong Lunes, sa pagsubok sa napakamahal na teknolohiya na balang araw ay papalit sa fingerprint verification.

Ito ang bago sa serye ng high-tech initiatives sa city-state, ang ilan ay nagbunsod ng privacy concerns, na naglalayong mapabuti ang efficiency at seguridad sa pagtaas ng banta ng mga militante sa rehiyon.

Ang iris-scanning technology, ginagamit na sa ibang bansa tulad ng United States at United Kingdom ay limang beses na mas mahal kaysa umiiral na fingerprint systems, ayon sa mga eksperto.

“The trials will help us in our consideration of whether and how we should implement such technology at our checkpoints,” saad sa pahayag ng Immigration & Checkpoints Authority (ICA).

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Ipatutupad ang hakbang sa dalawang checkpoints sa northern border nito sa Malaysia at sa isang ferry terminal na nagpapatakbo ng mga serbisyo sa katabing mga isla ng Indonesia.