Isa sa dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility ang pinangangambahang maging tropical cyclone na maaaring magpalakas sa southwest monsoon o habagat.

Ayon kay Meno Mendoza, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malaki ang tiyansa na maging tropical depression ang namataang LPA sa 1,280 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kapag naging ganap na bagyo, tatawagin itong “Karding.”

Gayunman, sinabi ni Mendoza na hindi naman ito inaasahang tatama sa kalupaan, ngunit maaari nitong paigtingin ang habagat na magbubuhos ng ulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, maliit naman ang tiyansa na magiging bagyo ang isa pang LPA na nasa layong 615 kilometro sa kanluran ng Subic, Zambales.

Patuloy namang makaaapekto ang habagat sa katimugang bahagi ng Luzon at Visayas.

-Ellalyn De Vera-Ruiz