PALAISIPAN sa mga sumusubaybay sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso kung ano ang papel ni Irma Adlawan (Sandra Tan) sa buhay nina Lisa Laureano-Tabayoyong (Jodi Sta. Maria) dahil masyado siyang malapit sa asawa ni Leo Tabayoyong (Robin Padilla).

Denise

Palihim kasing nagtitinginan si Irma at ang tatay ni Lisa na si Juancho Laureano (Christopher de Leon) na hindi mo mawari kung magkakilala sila at kung may nakaraan.

Pero nakilala na ni Lisa ang nakaraan ni Sandra, na nakulong dahil napatay nito ang tatay ni Denise Laurel, bilang si Primera.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ikinuwento ni Sandra na kaya niya napatay ang tatay ni Primera ay dahil sa pagtatanggol sa sarili at kaya galit ang huli sa una at tinawag itong murderer nang mag-abot sila sa restaurant.

May gusto si Primera kay Martin (Richard Yap) at talagang nagpaparamdam na pero hindi naman siya gusto nito, dahil si Mona (Jodi) pa rin ang itinitibok ng puso ng binata.

Magkasama sa isang out of town assignment sina Mona at Leo at nagpanggap na magkarelasyon para hindi sila pagdudahan ni Mr. Supapi (Leo Martinez).

Samantalang sina Martin at Lisa naman ay okay na ulit at nagkakabiruan na bagay na nakita naman ng kapatid ni Leo na si Tinay (Miles Ocampo) na hindi boto sa asawa ng kuya niya kaya naghinala na baka niloloko nito ang kuya niya.

Anyway, pagselosan kaya ni Leo si Martin sa balita ni Tinay, na close na ang mag-ex? At si Lisa naman kaya ay pagselosan si Mona, na narinig niyang tinawag na ‘tart’ ang asawa niya.

Maraming kuwentong aabangan sa Sana Dalawa Ang Puso: ang lihim ni Sandra, paano mabubuking ang mga kakuntsaba ni Mr. Supapi, at anong gulo ang gagawin ni Primera kina Martin, Mona at Lisa.

Napapanood ang Sana Dalawa Ang Puso sa ABS-CBN bago mag-It’s Showtime.

-Reggee Bonoan