TV comeback ni Maritoni Fernandez ang Victor Magtanggol, na hindi niya tinanggihan nang i-offer sa kanya after three years na pahinga muna siya sa showbiz. Last project niya pa sa GMA, ang That’s My Amboy with Barbie Forteza at Andre Paras.

Maritoni copy

“Nagpahinga muna ako sa showbiz, dahil sinimulan ko muna ang aking herbal business, ang Herb-All Organics na puro organics ang ibinebenta ko, nationwide,” kuwento ni Maritoni.

“I cannot say no nang i-offer sa akin ang role na stepmother of Janine Gutierrez, then ang husband ko si Eric Quizon. At least, kasabayan ko si Eric, kaya natuwa ako nang malaman kong siya ang husband ko sa story.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Isa pa ring reason ni Maritoni kaya napapayag siya sa project ay nang malaman niyang si Alden Richards pala si Victor Magtanggol.

“Parang anak na ang turing ko kay Alden, dahil magkasama na sila ng anak kong si Lexi noong 2010 sa cast ng Tween Hearts. Dalawang taon ding tumagal ang Tween Hearts kaya parang mga anak ko na rin ang mga kasama ni Lexi.”

Pero na-trauma si Maritoni nang sa unang pagkikita nila ni Alden sa set, na nagkayakapan sila ay ipinost niya sa Twitter ang photo ay na-bash siya agad.

“Wala naman akong sinabi sa caption maliban sa ‘nice to bump with my anak’. Hindi ko binanggit na may gagawin kaming soap, kaya hindi ko alam kung ano ang ikinagalit nila. We are just working as actors, kapag tinanggap namin ang role gagawin namin iyon. Kaya para hindi ako ma-stress, hindi ko na lamang sila sinagot, basta ang sabi ko, I’m too old for this. At tinanggal ko ang comments ng Twitter ko.”

Masaya si Maritoni sa pagbabalik niya dahil at almost 50 years old, she met a guy na halos kasing-edad din niya, Filipino but American citizen. Kaya noong out of showbiz siya, madalas siyang nasa USA.

Kumusta naman si Lexi, na iniwan na rin ang showbiz dahil patuloy na nag-aaral ng special education? May boyfriend na rin daw si Lexi, pero after she graduates from college, magma-master muna siya ng special education sa San Francisco, California, at after two years, magtatayo na siya ng sariling school for special children.

Balak na rin daw ni Maritoni at ng kanyang boyfriend na magpakasal na. Okay lang din kung hindi na siya magkakaanak, dahil may dalawang babies na raw naman sila, si Lexi at ang younger son niyang si Liam.

Naging close na rin si Maritoni kay Janine, kaya may pakiusap din siya sa mga fans na huwag i-bash si Janine dahil lang ito ang leading lady ni Alden sa story.

-Nora V. Calderon