TARLAC CITY – Nahaharap sa kasong rape ang isang helper matapos umano nitong halayin ang kanyang katrabaho sa Barangay San Sebastian, Tarlac City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Supt. Joel Mendoza, hepe ng Tarlac City Police Station, kinilala ang suspek na si Elmer Chua, 20, tubong Bgy. Pogomboa, Aguilar, Pangasinan at pansamantalang nakatira sa boarding house sa Bgy. San Sebastian, Tarlac City.

Base sa report, nasa boarding house ang biktima, 24, nang pasukin ni Chua at inabuso.

Nagsumbong ang biktima sa awtoridad at naaresto ang suspek.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

Leandro Alborote