DAGUPAN CITY - Apat na batang propesyonal ang inaresto ng anti-narcotics agents mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng mga pulis sa Bontoc, Mt. Province, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ng PDEA- Cordillera Administrative Region ang mga inaresto na sina Edward Francis Chan Cea, 26, ng Sta. Rosa, Laguna; Jericho Perez, 22, ng Bagong Silang, Caloocan City; isang 29-anyos na babaeng call center agent na taga-Calamba, Laguna; at 30-anyos na babae nadating HR Officer na taga-Sta. Rosa, Laguna.

Nasamsam sa mga suspek ang 24 na bricks ng dried marijuana leaves at apat na tubular dried marijuana leaves na may timbang na 26 na kilo at aabot sa kabuuang halaga na P650,000.

Liezle Basa Iñigo at Rizaldy Comanda
Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match