TINAWANAN lamang ng dalawang Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Andre Paras ang isyung may ‘something’ between them.

Rhian at Andre

Kamakailan lamang nakipaghiwalay si Rhian sa kanyang car racer boyfriend at dahil dito ay na-link siya kay Jolo Revilla, nang magtambal sila sa pagbabalik-production ng Imus Production na #72.

Pero hindi naman ito totoo dahil nga magkatambal sila sa movie na pinamamahalaan ng magkapatid na Jolo at Bryan Revilla. Nabalita pa noon na si Rhian daw ang dahilan ng break-up nina Jolo at girlfriend na si Jodi Sta. Maria. Pero wala rin itong katotohanan dahil hindi pa naman parehong umaamin sina Jolo at Jodi na hiwalay na sila talaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Balik kina Rhian at Andre, nakita kasing close ang dalawa nang dumalo sa 60th anniversary ng GMA 7 na ginanap sa Manila Polo Club. Kaya nag-conclude agad ng ‘something’ ang mga nakakita sa kanila. Parehong sweet person itong sina Rhian at Andre, na feel nila, friends lahat ng mga tao.

Madali namang nag-react si Rhian na natatawa: “I’m a huge fan of Andre, dahil kayang-kaya niyang gawin kahit anong ipagawa sa kanya, acting, hosting, magpatawa”, na nakikita naman ng mga manonood sa mga TV shows niya like sa Sunday PinaSaya.

Si Andre naman, para sa kanya si Rhian ay “one of the adorable funny people in showbiz.” Wala rin kasing kaarte-arte si Rhian sa katawan niya.

Sa ngayon, busy si Rhian sa paggawa ng movies, habang naghihintay siya ng next project niya sa GMA Network after ng romcom series nilang The One That Got Away nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins, Jason Abalos at Ivan Dorschner.

Si Andre naman, bukod sa Sunday PinaSaya, busy rin siya sa singing talent search na The Clash na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7, kasama si Joyce Pring. Ang programa ay hosted by Regine Velaszquez-Alcasid habang ang judges naman ay sina Christian Bautista, Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas.

-NORA V. CALDERON