LONDON (AFP) – Nagbitiw ang Brexit minister ng Britain na si David Davis nitong Linggo, naging malaking dagok para kay Prime Minister Theresa May na nahihirapang mapagkaisa ang kanyang partido sa planong manatiling matatag ang relasyon sa ekonomiya sa European Union pagkatapos kumalas sa samahan.

Dalawang araw lamang matapos aprubahan ng nag-aaway-away na grupo sa cabinet ni May ang planong isulong na maalis ang harang sa mga negosasyon sa Brussels, ipinahayag ng long-time eurosceptic na si Davis na bababa na siya sa puwesto sa isang liham na tinutuligsa ang kasunduan.

‘’The general direction of policy will leave us in at best a weak negotiating position, and possibly an inescapable one,’’ isiniulat niya kay May.

‘’I do not agree with your characterisation of the policy we agreed…,’’ sagot ni May. ‘’I would like to thank you warmly for everything you have done over the past two years as Secretary of State to shape our departure from the EU.’’
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM