MAKAKASAMA ng Aegis sina Regine Velasquez-Alcasid at ang TNT Boys na yanigin ang Araneta sa 20th anniversary concert ng powerhouse Pinoy 90s band na Aegis sa Hulyo 13.

TNT Boys & Regine

Abangan ang showdown ng mga tatlong batang biritero na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez o mas kilala bilang TNT Boy. Magbabalik sa higanteng entablado ang “Bigshot Trio” matapos mag-perform sa international show na “Little Bigshots” sa UK at USA.

Samantala, kaabang-abang rin ang paghaharap ng Asia’s songbird na si Regine at ng vocal powerhouses ng Aegis.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nauna nang ipinakilala ang iba pang guests sa concert na kinabibilangan nina Anne Curtis, Jericho Rosales, Karla Estrada, Jett Pangan, at Vice Ganda.

Mabibili ang tickets para sa AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo concert sa halagang P5,830 (VVIP), P4,240 (VIP), P3,180 (Patron A), P2,650 (Patron B), P1,275 (Box), P850 (Upper Box), at P320 (General Admission).

Ang mga interesadong manood ay maaaring tumawag sa ABS-CBN Events at 413-1222/0915-036-9464 or Ticketnet at 911-5555. Para sa karagda­gang impor­masyon, bisi­tahin lamang ang official social media accounts ng ABS-CBN Events sa Fa­cebook.com/ABSCBN­network/events o @abscbnevents sa Twitter at Instagram