OTTAWA (AFP) – Sa unang pagkakataon ay sumagot si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa alegasyon ng sexual misconduct na halos dalawang dekada na ang nakalipas, iginiit na wala siyang maalala na anumang ‘’negative interactions’’ sa araw na binanggit.

Tinanong ang aminadong feminist nitong Linggo na magkomento sa mga alegasyon na nanghipo siya ng isang journalist sa music festival sa kanlurang lungsod ng Creston, British Columbia noong 2000.

Nagsalita siya sa reporters sa central city ng Regina sa national day ng Canada.

‘’I remember that day in Creston well, it was an Avalanche Foundation event to support avalanche safety,’’ aniya. “I don’t remember any negative interactions that day at all.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ilang araw matapos ang festival, isang editorial ang lumabas sa Creston Valley Advance na nagsasabing humingi ng paumanhin si Trudeau, noo’y 28-anyos at wala pa sa politika, sa sinasabing reporter. Hindi nakalagay sa artikulo ang pangalan ng journalist at wala nang iba pang detalye sa diumano’y insidente.

Sinabi ng CBC nitong Lunes na nakausap nila ang journalist, ngunit tumanggi itong kilalanin at hindi na gustong madikit ang kanyang pangalan sa istorya.