HIWALAY na si Liam Payne sa girlfriend na si Cheryl Cole—isang araw makalipas ang 35th birthday ng huli, ayon sa ulat ng Entertainment Tonight.

Cheryl at Liam

Nag-post sina Liam, 24, at Cheryl ng halos parehong mensahe sa Twitter nitong Linggo, kasabay ng pagkumpirma sa kanilang paghihiwalay makalipas ang dalawang taon. May anak ang British couple, si Bear, na isinilang noong Marso 2017.

“We are sad to announce that we are going our separate ways,” post ni Cheryl. “It’s been a tough decision for us to make. We still have so much love for each other as a family. Bear is our world and we ask that you respect his privacy as we navigate our way through this together.”

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Sumikat ang pares nang mapabilang sa pop groups na nagsimula sa mga singing contest. Sumikat si Cheryl sa grupong Girls Aloud noong early 2000s, makaraang makakuha ng spot sa Popstars: The Rivals, habang kabilang naman si Liam sa One Direction noong 2008, na napanood sa The X Factor.

Nagsimula ang usap-usapan ng kanilang paghihiwalay nitong mga nakaraang buwan, at kabilang sa mga binanggit ni Liam tungkol sa Cheryl nang kapanayamin siya ng Rollacoaster magazine ng UK noong Marso na si Cheryl ang kanyang “dream girl since I was younger.”

“We’re super happy. It’s a very personal, precious time for us,” sabi ni Liam nang mga panahong iyon. “I’m still learning. I’m only 23.”

Five days later, inamin naman niya sa Evening Standard ng U.K. na mayroon silang mga problema, ngunit hindi umano sila maghihiwalay. Makalipas ang isang linggo, itinanggi ni Cheryl sa Twitter ang tsismis na nangangaliwa umano si Liam kasama ang dancer mula sa tour nito.