Sobrang updated ng fans ni Kris Aquino tungkol sa kanyang love life.

Kris copy

Hayun nga at kinikilig na sila sa posibilidad na magkaroon ng relasyon ni Atty. Gideon Pea at si Kris. May nagpayo pa kay Kris na hindi problema ang age gap nila ni Atty. G (tawag ni Kris sa lawyer), dahil maraming nagiging successful na relasyon kahit mas matanda ang babae kaysa lalake.

May shippers na sina Kris at Atty. G at tinawag nila ang kanilang sarili na KrisDeon shippers. Nakatutuwa kasi gumagawa na sila ng scenario. Kaya naman ang daming nadismaya sa tsikang in-unfollow nina Kris at Atty. G ang isa’t isa sa Instagram (IG).

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Hindi pa namin personal na natsi-check kung totoo ito at kung totoo man, pati kami curious sa rason. Hindi naman siguro sila na-pressure sa panunukso sa kanila a t s a mangilan-ngilang bashing.

Anyway, sinagot naman ni Kris ang isang follower na nagtanong kung ano ang mayroon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na hindi niya makalimutan. Dagdag pa ng netizen, bigyan niya ng chance si Atty. Gideon. “I need to answer @ the.mightywarrior isn’t romantically interested in me...and regarding mayor hb, sya lang ba talaga ang nang-iwan ng sugat sa puso ko? Poor guy-sya yung kilala nyo & fair game to discuss him because he is a PUBLIC official. But (and thank heavens for this) not every single aspect of my heart’s journey has really been shared. And I’ll chose to keep it that way. And i’m grateful that kung minahal man ako-nung hindi naging maganda ang ending, he stayed a gentleman. Since i’m a #Swiftie may I categorically end this by saying he is my “Back to December”...enough said ayoko lang ma punish si Atty. For being a friend. #peace.”

Pero ayaw pa ring maniwala ng karamihan sa followers ni Kris na hindi romantically interested si Atty. Gideon kay Kris. Ang dami nilang comment na nakakaaliw basahin at ayaw maniwala ng fans na friendship lang ang habol ni Atty. Gideon kay Kris kahit binasag na sila ni Kris.

-NITZ MIRALLES