MAGAGANAP ang unang concert ng South Korean boyband na iKON sa Maynila, ngayong taon.

iKON copy

Inihayag ng iKON nitong Lunes, sa pamamagitan ng kanilang official social media accounts, na dadalhin nila sa bansa ang kanilang CONTINUE world tour sa Asya.

Magtatanghal ang mga miyembrong sina BI, Bobby, Ju-ne, Chan, DK, Song, at Jay sa Maynila at sa pitong iba pang lungsod sa Asya, kabilang ang Seoul, Taipei, Kuala Lumpur, Bangkok, Singapore, Jakarta, at Hong Kong.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Wala nang ibang detalyeng ibinigay ang grupo tungkol sa nakatakda nilang concert sa bansa, habang isinusulat ang balita ito.

Isiniwalat lang ng grupo ang date para sa kanilang Seoul concert, dahil sa Pilipinas ang unang concert sa kanilang tour.

Ang iKON ay isang Korean-pop boy group sa ilalim ng YG Entertainment na kilala sa kanilang hits na Rhythm Ta, Dumb & Dumber, Bling Bling, at Love Scenario.

-Manila Bulletin Entertainment